Ipinagmalaki ng Land Transportation Office (LTO) na natapos na ang paggawa sa higit 1.7 Million na plaka.
Opisyal nang natapos ng lto ang unang batch ng produksyon ng mga bagong plaka na aabot sa 1,774,474 para sa plate applications mula july 2016 hanggang April 2019.
Naipadala na rin ito sa iba’t-ibang lto office sa bansa gayundin sa ilang car dealer.
Ayon kay LTO Central Office Plate Unit OIC Clarissa Ogsimer, kung isa kayo sa mga nag-apply rito ay maaari na itong kunin.
Aminado si ogsimer na may backlog pa rin sila pagdating sa produksyon ng mga bagong plaka.
Pero pagtitiyak ng LTO ay may susunod pang mass production para matugunan ito.
Facebook Comments