Inaasahan na madadagdagan pa ang kita ng mga magsasaka ng tubo o sugarcane sa bayan ng Laoac dahil sa posibleng dumagdag na produkto mula rito na maipoproseso sa bagong sugarcane mill mula sa Department of Trade and Industry Pangasinan.
Sa ilalim ng Shared Service Facilities Program, maaaring gamitin ng mga magsasaka ang naturang equipment na matatagpuan sa Brgy. Botigue.
Isa sa target na maiprodyus mula sa sugarcane mill ay suka na mula sa tubo na pagmumulan ng dagdag produkto at kita ng mga manlalako.
Noong Agosto, ininspeksyon at sinubukan ang nasabing kagamitan upang tiyakin na maayos itong magagamit.
Tinatayang 1.5 drum ng sugarcane juice at higit pa ang ipoprodyus ng kagamitan na dadaan muna sa fermentation at iba pang proseso bago tuluyang ipagbili.
Kaugnay nito, patuloy na isinusulong ang kapakanan ng iba’t-ibang lokal na industriya sa Pangasinan bilang suporta sa pagpapabuti ng produksyon at ekonomiya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









