Bumaba ang produksyon ng isda sa bansa para sa ikalawang bahagi ng 2023.
Ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA), naitala sa negative 11.3% ang fisheries production.
Mula kasi sa 1,219.94 metric tons, bumaba sa 1,082.22 metric tons para sa total volume ng 2nd quarter ng 2023.
Taon-taon din umanong bumaba ang produksyon sa commercial, marine municipal, ar aquaculture subsector.
Sa commercial fisheries, negative 14.5% ang naitala habang negative 16.8 percent ang naitala sa marine municipal fisheries at negative 8.3% ang naitala sa aquaculture.
Tanging ang inland municipal fisheries production ang umangat lang ang antas sa 4.4%.
Kabilang sa bumaba ang produksyon ay ang skipjack o gulyasan, bangus, seaweed at tambakol.
Tumaas naman ang produksyon ng galunggong, at sugpo.