PRODUKSYON NG ITLOG AT MAIS SA SAN FERNANDO CITY, PALALAKASIN

Inilunsad ang Corn Planting Activity at Season-long Farmers Field School for Corn Production and Poultry Integration Project sa Barangay Tanquigan sa San Fernando City, La Union sa 25 corn growers.
Layunin nito na palawigin pa ang kaalaman ng corn growers, lalo na sa Integrated Pest Management at poultry care and management.Dito ay Tuturuan ang mga magsasaka na mag-obserba, tumalakay, makipagtulungan, at suriin ang agro-ecosystem.
Makatutulong ito sa pagdedesisyon at paglutas ng problema sa mga pananim at sa mga manok dahil sa peste. Tuturuan sila ng mahusay na pag-aalaga ng manukan upang maging matagumpay ang produksiyon ng itlog sa siyudad.

Magtatagal ang proyekto ng 16 na linggo mula sa land preparation hanggang harvesting period ng mais at manokan.Layunin din ng proyekto ang mapabuti ang farmers produksiyon at kaalaman mula sa management practices sa mais at pag-aalaga ng manok upang makatulong na pataasin ang ani at kita. |ifmnews
Facebook Comments