Bumaba ng 20-percent ang produksyon ng itlog sa bansa dahil sa Bird Flu outbreak.
Una nang isinailalim sa culling ang nasa sampung milyong manok sa bansa dahil sa Bird Flu.
Batay sa Department of Agriculture, tinatayang nasa 45 million ang kabuuang populasyon ng manok sa bansa.
Pero sinabi ni United Broiler Raisers Association at Philippine Egg Board Chair. Gregorio San Diego, aabot sa 60 million ang populasyon ng manok kaya malaking epekto ang sampung milyong manok na isinailalim sa culling.
Bunsod nito, nangangamba ang grupo na maraming magmamanok ang hindi na mag-alaga lalo na’t nasa apat na piso na lang ang bili sa kanila ng kada piraso ng itlog habang limang piso ang gastos nila araw-araw sa pagbili ng feeds.
Facebook Comments