PRODUKSYON NG ITLOG SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, NAKITAAN NG PROBLEMA; ISANG ASSOCIATION, SUMULAT SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

Kasalukuyang nakakaranas ngayon ng problema ang mga egg farms sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa lagay ng panahon.
Ayon sa Provincial Agriculture Office, isang aniyang dahilan ng mababang produksyon ng itlog ay maaaring dahil sa metabolismo ng mga inahin na bumabagal sa tuwing nararanasan ang mainit panahon.
Bukod sa mababang volume ng produksyon ng itlog, napansin din na ang mga itlog na inilalabas ng mga inahin ay mas maliit kaysa sa normal na laki ng itlog dulot ng kasalukuyang panahon.

Anila na ang mga sukat ng itlog ay karaniwang mas malaki sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Dagdag pa nila dahil sa init ng panahon, ay nabubuhay ang mga bakterya na sanhi ng pagkasira ng mga ito.
Sa kabila ng nararanasang mabagal na produksyon ng itlog sa probinsiya, ay hindi naman anila naaapektuhan ang suplay ng itlog sa mga pamilihan dahil sapat anila ito.
Gayunpaman, inaasahan naman matatapos na ito dahil sa nalalapit na pagpapalit ng panahon sa malamig na klima.
Samantala, sumulat ang Tarlac Pangasinan La Union Egg Producer Association sa Sangguniang Panlalawigan upang hilingin na isama ang table eggs sa pansamantalang total ban sa ilalim ng Executive Order No. 0016, S-2023 noong Marso 2, 2023 na inisyu ni Gobernador Ramon Guico III.
Sa ngayon, hinihintay na lamang ang magiging desisyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ukol sa naturang hiling ng asosasyon upang maprotektahan ang mga konsyumer at suplay ng itlog sa mga karatig probinsiya. |ifmnews
Facebook Comments