ngayong season, sa kabila ng banta ng infestation sa ilang taniman.
Sa panayam ng IFM Dagupan sa Municipal Agriculture Office (MAO), may naitala ang ilang magsasaka sa bayan na pinsala sa kanilang mga tanim.
Sa kabila nito, hindi naman ito umano lubos na nakaapekto sa kabuuang produksyon ng mais sa bayan.
Dagdag dito, bagaman bahagyang nahuli ang pagtatanim ng mais sa Calasiao, inaasahan pa rin ang pagtaas ng produksyon kumpara sa mga napinsala ng mga nagdaang bagyo.
Kabilang sa isinagawang interbensyon ang pamamahagi ng corn seeds at abono mula sa national government sa pagsisimula ng planting calendar noong Nobyembre at Disyembre ng nakaraang taon.
Kaugnay nito, sa kabila ng inaasahang hamon sa darating na dry season, naniniwala ang mga magsasaka na mapapataas pa ang produksyon ng mais sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






