Upang mapalago ang lokal na produksyon ng manok sa bayan ng Bautista, ilang magsasaka ang sumailalim sa pagsasanay sa chicken production at tumanggap ng mga sisiw mula sa Department of Agriculture–Agricultural Training Institute Regional Training Center I (DA-ATI-RTC I).
Kaagapay ang Municipal Agriculture Office, ginanap ang tatlong araw na pagsasanay na nakatuon sa tamang pangangalaga ng manok at paggawa ng sariling pakain gamit ang abot-kayang lokal na sangkap.
Layon ng programa na mapalakas ang kaalaman at kasanayan ng mga magsasaka sa pagpapalaki ng manok upang makatulong sa pagpapalago ng kanilang kabuhayan at sa lokal na suplay ng karne sa bayan.
Samantala, nagsagawa rin kamakailan ng Basic Meat Inspection Course (BMIC) ang ahensya sa Sta. Barbara, Pangasinan bilang bahagi ng pagpapaunlad ng kakayahan ng mga nasa sektor ng agrikultura at produksyon ng karne.







