Produksyon ng manok sa ilang lugar sa Luzon, bumagsak ng halos 50%

Bumaba ng halos 50% ang produksyon ng manok sa ilang lugar sa Luzon.

Ito ang nakikita ang Department of Agriculture (DA) sa pagtaas ng presyo ng manok at itlog sa ilang pamilihan.

Ayon kay da Consumer Affairs, Usec. Ernesto Gonzales, nagmahal din ang presyo ng feeds na pagkain ng manok.


Pero giit ni Gonzales, hindi dapat sobra ang ipinapatong sa presyo nito.

Balak ng da na lagyan ng Suggested Retail Price o SRP ang manok sa susunod na buwan.

Tiniyak ng DA na hindi kukulangin ang supply ng manok dahil may mga makukuha namang imported.

Facebook Comments