Produksyon ng mga tawilis product, itinigil muna ng isang food processing company

Manila, Philippines -Itinigil na ng isang food processing company ang distribusyon ng kanilang mga tawilis product.

Ito ay matapos na ideklarang endangered species ang sardinella tawilis.

Sa kanilang Facebook page, sinabi ng San Marino na itinigil na nila ang produksyon ng canned goods na may tawilis partikular ang san marino premium tawilis.


Sisimulan na rin daw nila ang pag-withdraw o pagbawi ng mga stock ng nabanggit produkto sa mga pamilihan na balak i-donate sa mga charitable institutions para hindi masayang.

Ang hakbang na ito ng kompanya ay bahagi ng kanilang pagnanais na protektahan at ma-preserve ang marine wildlife at natural resources.

Nauna nang sinabi ng International Union for Conservation of Nature (IUCN) na kasama na sa kanilang “red list” ang tawilis.

Espesyal ang tawilis dahil nahuhuli lamang ito sa Taal lake, pero unti-unti nang bumababa ang bilang nila dahil sa over-fishing at polusyon.

Facebook Comments