Tumaas ang produksyon ng palay o unmilled rice sa ikatlong kwarter ng taon.
Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority, nakapagtala ng 3.55 million metric tons ng palay nitong third quarter, mas mataas ng 0.2% mula sa unang nitong forecast noong July 1, 2020.
Kung susumahin, nasa 16.4% ang year-on-year increase ng produksyon ng palay sa bansa kung saan nadagdagan ng 859,600 hectares ang harvestable area.
Facebook Comments