Produksyon ng palay sa 3rd quarter ng 2020, tataas ng 16% ayon sa PSA

Ikinatuwa ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang inaasahang 16% na pagtaas ng produksyon ng palay sa bansa sa ikatlong hati ng 2020.

Ito’y batay na rin sa pagtaya ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagsabing makakapag-ani ng 3.542 million metric tons ng palay sa 3rd quarter ng taon.

Ito ay mas mataas kung ikukumpara sa 3.051 MMT sa naitala sa kaparehong panahon noong 2019.


Ayon kay Dar, welcome development ang pagtaya ng PSA at patunay ito na on track ang pinaigting na intervention ng ahensya.

Tinukoy ng Agriculture Chief ang pagpapatupad ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF); regular rice program at iba pang rice resiliency project.

Umaasa ang DA na magtutuloy-tuloy ito hanggang sa 4th quarter ng taon sa kabila ng posibleng epekto ng mga parating na bagyo.

Facebook Comments