
Lumagda sa isang kasunduan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan at ang National Food Authority (NFA) upang palakasin ang lokal na produksyon ng palay at suportahan ang mga magsasaka sa lalawigan.
Sa ilalim ng kasunduan, magkatuwang na pamamahalaan ng dalawang ahensya ang Rice Processing System I (RPS I) facility sa Sta. Barbara upang mapahusay ang kalidad ng ani, mabawasan ang post-harvest losses, at mapababa ang gastos sa operasyon.
Bahagi ito ng Corporate Farming Program ng pamahalaang panlalawigan na layong gawing mas produktibo at kapaki-pakinabang ang agrikultura sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga kooperatiba at magsasaka.
Sa kasalukuyan, mahigit 1,400 magsasaka mula sa 54 na kooperatiba ang kasali sa programa, na patuloy na pinalalakas para sa mas maunlad na sektor ng agrikultura sa Pangasinan.









