Produksyon ng prutas sa Pilipinas, tumaas nitong ikalawang kwarter ng taon

Bahagyang tumaas ang produksyon ng prutas sa Pilipinas sa ikalawang kwarter ng taon.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 5.16% o 1.407 million metric tons (MMT) ang produksyon ng pinya nitong unang kwarter ng taon mula sa 1.338 MMT noong nakaraang taon.

Tumaas din ang produksyon ng mangga matapos makapagtala ng 654,710 MT mula sa dating 652,140 MT.


Umakyat naman sa sa 4.343 MMT ang produksyon ng saging mula sa naitalang 4.293 MMT noong 2020.

Ayon kay Economist Pablito Villegas, ang pagtaas ng demand prutas isa sa dahilan ng pagtaas sa produksyon ngayong taon.

Facebook Comments