Produksyon ng Russian vaccine sa Pilipinas, maaaring magsimula sa Enero 2021

Maaaring magsimula ang Russia ng kanilang potential COVID-19 vaccine sa Pilipinas sa Enero 2021.

 

Ayon kay Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta, committed ang Russian government na magbigay ng supply ng kanilang bakuna sa Pilipinas kapag natapos na ang masusing review hinggil dito.

 

Dapat ding maghanda ang Pilipinas ng cold storage requirements para sa coronavirus vaccines ng Russia.


 

Pero sinabi ni Sorreta na ang Russian vaccine na hindi nangangailangan ng matinding temperatura ay magiging available subalit posibleng maging mahal ang presyo nito.

 

Sa ngayon, wala pang naire-report na adverse effect sa emergency use ng COVID-19 vaccine sa Russia.

 

Matatandaang nitong Agosto, pinayagan ng Russia ang temporary conditional registration ng coronavirus vaccine na gawa ng Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology.

 

Ang bakunang Sputnik V ay sumasailalim na sa ikatlong phase ng clinical trials sakop ang 40,000 participants.

 

Ang ikalawang coronavirus vaccine, EpiVacCorona, ay nabigyan ng regulatory approval ng Russian authorities at inaasahang magsisimula ngayong buwan o sa Disyembre ang malawakang trial nito.

Facebook Comments