Produksyon ng saging at pinya, dapat bilisan para maibenta sa China

221

Manila, Philippines – Pinagmamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga producers ng saging at pinya na bilisan ang kanilang produksyon upang madaling maibenta ang mga ito sa China.

 

Ayon kay Pangulong Duterte, sinabi sa kanya ng China na bibilhin nila ang mga saging at pinya na mula sa Pilipinas na una nang ini-snob ng China.


 

Paliwanag ni Pangulong Duterte, napakaganda ng relasyon ng Pilipinas at China at maganda itong pagkakataon para sa mga Pilipino.

 

Pero sa kabila nito ay binigyang diin ni Pangulong Duterte na darating pa rin ang panahon na pag-uusapan nila ng China ang naging desisyon ng UN arbitral Tribunal kaugnay sa territorial Dispute sa West Philippine Sea.



Facebook Comments

From Advertisers