Naging makabuluhan ang pagtaas ng produksyon ng sardinas sa harap ng nararanasang pandemya sa bansa.
Ang industriya ng sardinasan kasi ang pangunahing ipinamahagi bilang ayuda sa kasagsagan ng mga quarantine lockdown.
Ayon kay Jose Ramiscal, mayroong surplus o 90 percent sufficient ng isdang sardinas ang bansa kaya walang dahilan para magmahal ang presyo nito sa pamilihan.
Aniya, sa kabila ng kasagsagan ng epekto ng pandemya noong 2020, tumaas ang sardines production ng 396 thousand metric tons kumpara sa 3330 thousand metric tons noong 2019.
Kung mayroon mang problema sa distribusyon ng sardinas, dulot aniya ito ng pinahigpit na mga checkpoint at patakaran ng mga Local Government Unit (LGU).
Sa ngayon aniya ay inaani na ang resulta ng mga ipinatupad na closed fishing season sa mga major fishing ground.
Ani Ramiscal, mahigpit ngayon ang pagpapatupad nila ng Sardines Management Plant upang hindi humantong sa red listing ang sitwasyon ng sardinasan sa bansa.