Produksyon ng sibuyas ngayong taon, inaasahang aabot sa 300-K MT

Inaasahang aabot sa mahigit 300,000 metriko tonelada ang magiging produksyon ng sibuyas sa bansa ngayong taon.

Mas mataas ito sa 250,000 metric tons na naani noong 2023 batay na rin sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Spokesperson Arnel de Mesa, sa kabila ng pamemeste ng harabas sa mga taniman ng sibuyas ay nabawasan naman ang impact nito sa produksyon dahil sa pro-active efforts ng national at local government.


Nakatulong din ang maagang pag-uulat at regular na pagmo-monitor sa mga hindi pangkaraniwang nangyayari sa mga sakahan.

Nabatid na 8% lamang ng kabuuang produksyon ang naapektuhan ng peste.

Una nang sinunspinde ng DA ang pag-aangkat ng sibuyas hanggang Mayo sa layong maiwasan ang lalong pagbagsak ng presyo ng sibuyas dahil sa oversupply.

Facebook Comments