Apektado umano ang produksyon ng talaba ng ilang mga oyster farmer sa Dagupan City bunsod ng nararanasang pabago-bagong panahon.
Maliliit daw umano ang mga nahaharvest na mga talaba sa kanilang mga fishpond kumpara sa nakukuha nila mula sa mga bayan ng Bolinao at Bataan.
Anila, kung sa lasa raw ng produkto ay hindi umano mahihigitan ang mula sa Dagupan City, at nagkakatalo lamang umano sa mga sukat nito.
Umaasa ang ilang mga oyster farmers partikular sa Brgy. Lucao na mapabilang sa mga magiging benepisyaryo ng isinusulong na programa ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa pagtataguyod ng produksyon ng talaba sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments