PRODUKSYON NG TALABA SA DAGUPAN CITY, APEKTADO UMANO DAHIL SA ITIM NA TAHONG

Nararanasan ngayon ang konting produksyon ng talaba sa lungsod ng Dagupan.

Ayon sa mga oyster growers sa Brgy. Lucao na nakapanayam ng IFM News Dagupan, ang itim na tahong umano ang isa sa nakikitang dahilan kung bakit apektado ang paglaki ng mga talaba sa mga palaisdaan.

Nauungusan ng itim na tahong ang produksyon ng talaba kaya wala umano masyadong suplay ng talaba sa lungsod.

Dahil dito, kadalasang pinagkukunan ng produkto ay mula sa Bataan o di kaya naman sa Alaminos City.

Ayon sa mga tindera ng talaba, malalaki ang talaba mula sa Bataan kung ikukumpara sa mga talaba na mula sa Alaminos City.

Sa ngayon, ang kada kilo ng talaba ay nasa P200 pesos habang ang isang masetera naman ay nasa P250.

Nasa P100 naman ang lukan habang naglalaro sa P60 hanggang 120 ang green mussels.

Patok sa mga turista at bisita ang mga talabang nakahilera ngayon sa bahagi Lucao lalo na tuwing Sabado at Linggo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments