Inihayag ng La Union Provincial Agriculture Office na patataasin pa mula 400,000 hanggang 500,000 ang kabuuang produksyon ng tilapia fingerlings kada taon.
Kasunod ito ng pagbubukas ng bagong Multi-Species Hatchery and Aquaculture Facility sa Brgy. Sta. Rita Central, Agoo bilang suporta sa mga lokal na mangingisda.
Ayon sa tanggapan, magsisilbi ring research and training venue ito para sa mga magsasaka at mangingisda upang mapaigting ang industriya ng aquaculture sa lalawigan.
Inaasahan na ibebenta sa abot-kayang halaga ang mga fingerlings na mapoprodyus sa naturang pasilidad at maaaring makuha nang libre ng mga mangingisda. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments