*Cauayan City, Isabela*- Iginiit ng isang sugar milling company ang ilang kadahilanan ng pagbaba ng produksyon ng tubo sa Lalawigan ng Cagayan.
Ayon sa grupo ng magtutubo, batay sa kanilang isinagawang pag aaral ay marami sa mga magtutubo ang kulang sa kaalaman sa pagtatanim.
Bukod dito, ang ibang magtutubo ay lumipat na sa pagtatanim ng agricultural crops tulad ng mais at palay.
Kaugnay nito, tinipon nila ang mga magtutubo sa lalawigan kung saan nagkaroon sila ng actual farm demo at lectures at nagbahagi ng ilang stratehiya sa tamang paraan ng pagtutubo.
Nakipag ugnayan na rin ang grupo sa service providers mula Pampanga at Tarlac upang tugunan ang nasabing problema sa darating na milling season.
Kinakailangan umano na paunlarin ang pagtutubo sa lalawigan dahil makakatulong ito sa sugarcane sa bansa.
Ito ang isa sa nakikitang dahilan kaya lumilikha ng black farms na sila naman ang bubuo ng kanilang mga kooperatiba upang makahingi ng tulong sa pamahalaan.
Photo Courtesy: dreamstime.com