Produktibo at makabuluhang ASEAN-EU Commemorative Summit sa Brussels, Belgium, inaasahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magiging produktibo at makabuluhan ang gagawing tatlong araw na ASEAN European Commemorative Summit sa Brussels, Belgium.

Ang pahayag ay ginawa ng pangulo sa kaniyang departure message alas-7:30 ng gabi ng December 11 sa Pilipinas.

Sinabi ng pangulo, ang pagiging produktibo ng gagawing summit ay magpapakita ng maganda at mahabang relasyon ng ASEAN at European four.


Ayon sa pangulo na sa gagawing summit, hindi lang niya irerepresenta ang Pilipinas sa halip maging ang buong ASEAN.

Pero magiging prayoridad daw ng pangulo ang paglalahad ng interes ng Pilipinas sa gagawing summit.

Sa departure message pa ng pangulo, sinabi nitong ito ang unang pagkakataon na magkakaroon siya ng pagkakataon na maka-meeting ang mga ASEAN at European Union states member states leaders sa EU headquarters.

Natutuwa raw ang pangulo dahil sa ang Pilipinas ang magiging country coordinator para sa ASEAN at mga dialogue relation sa EU.

Facebook Comments