PRODUKTO MULA ISABELA, BUMIDA SA SLP POP-UP MARKET

CAUAYAN CITY – Bumida sa isinagawang Dafun: SLP Pop-Up Market ng DSWD Region 2 ang ilang produkto ng benepisaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) mula sa lalawigan ng Isabela.

Ilan sa mga patok na produkto ay ang sariwang gulay Red egg, Bucheron, Banana Chips, Peanutes, Mushroom Chips at Polvoron, Chili Paste, Assorted Wooden handicrafts at marami pang iba.

Dahil sa pagtangkilik ng mga tao sa produkto ay naitalang umabot sa halagang P35,000 ang napagbentahan ng mga ito.


Ang Dafun ay isa sa inisyatiba ng SLP upang lumikha ng direktang access upang maitampok ang mga produkto sa merkado.

Facebook Comments