Produktong may asin, posibleng taasan na rin ng buwis

Manila, Philippines – Plano ng gobyerno na magpataw ng mataas na buwis sa mga produktong may asin.

Ito ang nakikitang paraan ng Department of Health (DOH) upang mapigilan ang mataas na insidente ng non-communicable diseases, kung saan nasa 756 billion pesos ang nagagastos ng gobyerno hinggil dito.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – may nakikita silang positibong epekto ang pagtataas ng buwis sa sin products at sweetened beverages, kaya maaaring gawin din nila ito sa mga sobrang kumokonsumo ng asin.


Giit ng kalihim, ang mataas na pagkonsumo ng asin ay may impact na sa kalusugan ng mga Pilipino, kabilang ang mga insidente ng end-stage renal failure at hypertension at cardiovascular problems.

Maliban sa pagpataw ng mataas na buwis, sinisilip na rin ng DOH ang pagkakaroon ng “low-salt to no-salt” policy sa food manufacturing.

Sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO), nasa limang gramo kada araw lamang ang dapat ikonsumo ng mga tao.

Sa Pilipinas ang daily salt consumption ay nasa 11 grams per day.

Facebook Comments