Produktong petrolyo, asahang tataas muli sa Martes

Muling magtataas ang presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Marso 29.

Ito na ang pang labing-isang beses na nagtaas-presyo ang produktong petrolyo ngayong taon dahil sa tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Halos ₱8 ang nadagdag sa imported na diesel habang ₱3 naman sa gasolina, at mahigit ₱8 sa kerosene.


Posible ring tumaas ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa darating na Abril 1.

Matatandaang nitong Martes din ay nagkaroon ng big time rollback sa presyo ng langis, na umabot ₱12 kada litro.

Facebook Comments