Profession na chef, nakatulong sa food business ng mag-asawang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya

Maituturing na #CoupleGoals ang pagtatayo ng isang food business ng mag-asawang chef na parehong nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Sa segment na ‘Business as Usual’ ng Usapang Trabaho sa RMN DZXL Radyo Trabaho, ikinuwento ng Paulo’s Food Corner owner na si Chef Abigail Ronquillo na naging advantage ang profession nilang mag-asawa para pumatok ang kanilang negosyo.

Aniya, may idea na sila sa mga recipes na papatok sa kanilang customers.


“Bale parehas po kaming chef ng asawa ko. Natutuwan naman po ako kasi parehas po kaming galing ng asawa ko sa hotel kaya parang iyon po yung naging strenght namin para kahit papaano umangat sa mga competitors. “ani Abigail.

Dahil dito, binuhay muli nila ang dating maliit na karinderya at idinagdag sa kanilang menu ang mga trending quaratine foods gaya ng chicken wings, silog meal, hot meals at baked goods tulad ng cake, donuts at brownies.

Pumatok din ang kanilang silog meals sa mga co-workers ng kaniyang kapatid na nagta-trabaho sa isang Call Center Company.

Bagama’t nawalan ng trabaho ay ginamit nilang inspirasyon ang kanilang anak upang muling bumangon sa pamamagitan ng pagnenegosyo.

Facebook Comments