Professionalism sa hanay ng militar, dapat pairalin

Dapat mangibabaw ang propesyunalismo sa hanay ng militar.

Ito ang iginiit ni Armed Forces of the Philippines Chief-of-Staff, General Romeo Brawner sa kabila ng ingay pulitika gayundin ang paghimok sa mga sundalo na talikuran ang kasalukuyang administrasyong Marcos Jr.

Ayon kay Brawner, tanging trabaho ng mga sundalo ay protektahan ang Pilipinas, ang kaniyang mamamayan.


Una nang kinontra ni Brawner ang panawagan na ‘military action’ dahil sa umano’y “fractured governance” ng kasalukuyang Marcos Jr. administration.

Facebook Comments