LONDON – Naging katatawanan sa social media ang kakaibang istilong ginawa ng isang professor sa isang unibersidad nang magpasya itong ilagay ang kanyang mga papel sa loob ng microwave.
Ibinahagi ng estudyanteng si Emily Perez sa kanyang Twitter ang ginawa ng kanyang guro.
Aniya sa kanyang post, “My professor just told me that if we get a whiff of smoke it’s because another professor put the papers he was grading in the microwave to rid them of any chance of Corona Virus & then the papers caught on fire… I can’t make this stuff up people.”
My professor just told me that if we get a whiff of smoke it’s because another professor put the papers he was grading in the microwave to rid them of any chance of Corona Virus & then the papers caught on fire… I can’t make this stuff up people
— emily perez (@Lou16em) March 10, 2020
Agad na nakatanggap ng samu’t saring reaksyon ang naturang post online at umani ng mga komento.
May ilan pa sa mga guro na ibinahagi rin ang kani-kanilang istilo bilang pag-iingat sa kumakalat na virus.
I just do this 👇 pic.twitter.com/o31ECTeybK
— Dr Mark D'Arcy (@markoftheD) March 11, 2020
Kaugnay nito, isinaad naman ni Professor Sally Bloomfield ng London School of Hygiene and Tropical Medicine,
“To actively kill the virus, you need temperatures of around 60 degrees [Celsius].”
Saad niya, hindi pa rin daw nawawari kung paano malalabanan ng mainit na temperatura ang coronavirus.
Giit niya, nangyari ito matapos magsimula ang ganitong istilo mula sa isang babae sa China na naglagay ng pera sa microwave bilang pag-iingat sa virus ngunit kalaunan ay nasunog din ito.
(Basahin: Babae sa China, isinalang sa microwave ang pera bilang pag-iingat sa coronavirus)