PROFILING NG MGA SENIOR CITIZEN PARA SA FOOD SUBSIDY AT CASH INCENTIVE, ILULUNSAD SA SAN NICOLAS

Inihahanda na ng Lokal na Pamahalaan ng San Nicolas, sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), ang pagsisimula ng profiling para sa mga senior citizen bilang paghahanda sa pamamahagi ng food subsidy at cash incentive.

Layon ng aktibidad na makumpleto ng mga benepisyaryo ang kinakailangang impormasyon at dokumento upang matiyak na ang suporta ay maipagkakaloob lamang sa mga kwalipikadong lolo at lola sa tamang oras at nang walang aberya.

Sa araw ng profiling, ipapamahagi ng MSWDO ang mga kinakailangang form tulad ng General Intake Sheet, Certificate of Eligibility, at certification mula sa tanggapan.

Pinapaalalahanan din ang mga senior citizen na dalhin ang Certificate of Indigency, photocopy ng Senior Citizen ID na may tatlong pirma, at ang orihinal na ID para sa beripikasyon upang mapabilis ang proseso.

Binigyang-diin ng MSWDO na ang aktibidad ay nakatuon pa lamang sa profiling at pag-fill out ng forms, at hindi pa kasama ang aktwal na pamamahagi ng cash gift.

Facebook Comments