Nagsagawa na ng profiling ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa emergency employment ng mga residenteng apektado sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay.
Ayon sa DOLE, ito ay sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program, kung saan babayaran ng ₱10,950 ang isang miyembro mula apektadong pamilya para sa tatlumpung araw na pagseserbisyo nito.
Kasama rito ung community gardening o pagtatanim ng gulay malapit sa evacuation centers, paglilinis at maintenance ng pansamantalang evacuation centers, maging ang housekeeping at paghahanda ng pagkain.
Dagdag pa ng DOLE, nasa ₱50-M na ang nai-turnover sa mga local government unit na kasama sa mga naapektuhan ng pag-aalburoto Bulkang Mayon.