Magsisilbing database o talaan na siyang pagkukuhanan ng mga pangalan ng mga Person with Disabilities o PWDs sa bayan ng Manaoag ang isinagawang profiling na bahagi ng naganap na quarterly meeting sa nasabing bayan.
Ito ay upang mas mapadali ang pagsuri sa mga pangalan ng mga PWDs sa bayan na nais abutan ng anumang tulong pinansyal at mga programang nakalaan para sa kanilang benepisyo.
Natalakay din sa pulong ang ang pondong (0.5%) na itong maaaring pagkuhanan ng pera na pantustos sa kanilang mga pangangailangan.
Hinikayat naman ang bawat isa mula sa kanilang grupo na Person with Disabilities Federation Manaoag ang kanilang partisipasyon at pakikipag-ugnayan upang mas maging bukas ang komunikasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at mga PWDs at maayon sila sa pagkakaisa ng lahat.
Matatandaan na ang naturang isla ay isa sa mga dinarayo ng mga turista dahil sa angking ganda ng naturang yaman ng isla na matatagpuan sa Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments