Profiling sa mga evacuees na naapektuhan ng gulo sa Marawi City, mas naging mahigpit matapos maaresto ang isa sa mga miyembro ng Maute sa Cagayan De Oro

Marawi City – Sumabay sa mga evacuee mula Marawi City patungong Cagayan De Oro City ang naarestong miyembro ng Maute Terror Group na si Mohammad Noaim Maute alyas Jadid.

Ito ang kinumpirma ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla matapos ang kanilang isinagawang pag-iimbestiga sa kung papaano nakapasok sa Cagayan De Oro City.

Aniya, humalo ito sa dagsa ng mga evacuees na inilipat sa Cagayan De Oro City nitong mga nakalipas na araw.


Dahil dito, mas nagiging maingat ang militar at pulisya ngayon sa pagtukoy sa mga evacuee o pagsasagawa ng profiling upang hindi mahaluan ng mga terorista.

Sinabi pa ni Padilla na mas naka-focus ang miyembro ng Philippine National Police sa ginagawang profiling sa mga nagsilikas na biktima.
Kanina, sinabi ni martial law implementation spokesperson sa Eastern Mindanao Brig. Gen. Gilbert Gapay na aabot sa 7500 na evacuees ang nanatili ngayon sa Cagayan De Oro mula sa Marawi City.

Facebook Comments