Program Manager ng DZXL 558 News na si Mr. Rod Marcelino, nagpasalamat sa naging matagumpay na “Todo Serbisyo sa Anibersaryo” ng DZXL 558 News

Nagpapasalamat si Mr. Rod Marcelino, Program Manager ng DZXL 558 News sa naging matagumpay na “Todo Serbisyo sa Anibersaryo” sa ika-61 taon na paglilingkod ng himpilan.

Ayon kay Mr. Rod, hindi magiging successful ang nasabing selebrasyon ng anibersaryo ng DZXL 558 News kung wala ang ating mga masugid na taga-subaybay na sumuporta sa ating himpilan sa loob ng 61 taon.

Nagpapasalamat din siya sa mga residente ng Barangay 12, Caloocan City dahil sa mainit na pagtanggap sa DZXL 558 News.


Ikinatuwa rin ni Mr. Rod ang maraming mga kababayan natin na nakiisa at nag avail ng mga libreng serbisyo ng DZXL 558 News kabilang na ang:

• libreng gamot at check-up
• libreng bunot ng ngipin at check-up
• libreng gupit
• libreng masahe
• blood-letting / highlight ng selebrasyon ang pagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan.

Sinabi pa ni Mr. Rod na makakaasa ang mga listener at mga taga-suporta ng DZXL 558 News na mauulit muli ang todo serbisyo sa mga susunod pang anibersaryo ng DZXL 558 News.

Facebook Comments