Programa at benepisyo para sa mga estudyante at senior citizen, sinisiguro ng Pasay LGU na ipagpapatuloy sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19

Sinisiguro ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasay na kanila pa ring ipagpapatuloy ang mga inilatag nilang programa at pagbibigay benepisyo sa mga estudyante at senior citizens sa kanilang lungsod.

Ito’y kahit pa may kaunting aberya nararanasan dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, kasalukuyan na nilang inaayos ang allowance ng mga estudyante habang hinihimok niya ang mga senior citizens na tangkilikin ang kanilang mga programa tulad ng libreng medical check-up sa pamamagitan ng telemedicine at mga gamot.


Bagama’t nasa 121 barangay na sa lungsod ang naka-lockdown, sinisiguro ng alkalde na hindi magugutom ang nasa 454 na households na apaketado ng nasabing lokcdown.

Kanila rin tinututukan ang Barangay 183 na may malaking bilang ng households na apektado ng lockdown dahil sa pagtaas ng tinatamaan ng COVID-19 kung saan ang aktibong kaso sa nasabing barangay ay nasa 134 na.

Ipinag-utos na rin ni Rubiano sa Pasay Philippine National Police ang paglalagay ng mga checkpoints sa mga boundary ng Parañaque at Makati City para masigurong naipatutupad ang unified curfew hours mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.

Hinihimok din ng lokal na pamahalaan ng Pasay ang mga residente nito na maging mapagbantay at tumulong sa kanila upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.13

Facebook Comments