Manila, Philippines – Inihayag ng Department of Health (DOH) na mayorya o halos 90-porsyento ng mga Pinoy ay miyembro na ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque, aabot sa tatlongdaan at animnapu’t isang milyong piso (P361-m) na ang kanilang naibigay sa ilalim ng “Z Benefit Package” noong isang taon.
Paliwanag ng kalihim, ang Z Benefit ay sakop na ang Peritoneal Dialysis, Coronary Artery Bypass Surgery, Breast Cancer Surgery, Kidney Transplantation, Ventricular Septal Defect Surgery.
Nitong 2017, nasa 1.33 million na mahihirap na pasyente ang nabigyan ng medical assitance na nagkakahalaga ng 3.71 billion pesos habang nasa 1.48 million ang nakatanggap ng medisina para sa hypertension, diabetes, stroke at iba pang sakit.
Tiniyak ng DOH na patuloy na ibibigay ang mga programa at serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino.