PROGRAMA AT SERBISYO NG GOBYERNO, MULING INILAPIT SA MGA DATING REBELDE SA ILOCOS SUR

Muling inilapit ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno ang mga programa at serbisyo sa pitumpu’t tatlong dating rebelde sa Ilocos Sur.

Bahagi ng mga inisyatibo sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang aktibidad bilang pag-alalay sa mga dating rebelde na muling mamuhay nang payapa at may suporta mula sa gobyerno.

Bukod sa mga programang pangkabuhayan, ginanap din ang pagbibigay ng passess sa 206 kwalipikadong amnesty applicants na magsisilbing proteksyon ng mga ito mula sa pagkakaaresto at pagkakakulong at may kakayahang mag suspinde ng anumang parusa.

Sa taong 2026, target naman na mabigyan ng abot P20,000 educational assistance ang nasa 42 anak ng mga rebelde sakaling maaprobahan na ang alokasyon ayon sa Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity.

Patuloy ang mga inisyatibo na naglalayong mabigyang suporta ang mga dating rebelde at kanilang pamilya sa pagbabalik lipunan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments