PROGRAMA KONTRA CHILD LABOR, INILUNSAD SA BAUANG, LA UNION

Opisyal na inilunsad sa Bauang, La Union ang bagong programa na naglalayong labanan ang child labor at protektahan ang kabataan sa pamamagitan ng Strategic Helpdesk for Information, Education, Livelihood, and other Developmental Intervention (SHIELD).

Itinuring ang hakbang na ito bilang simbolo ng pagkakaisa ng mga tanggapan ng pamahalaan sa pagtugon sa suliranin ng child labor sa pamamagitan ng sustenableng programa.

Layunin ng SHIELD na magbigay ng komprehensibong suporta sa kabataan, kabilang ang edukasyon, akses sa impormasyon, oportunidad sa kabuhayan, at iba pang programang pangkaunlaran.

Nilalayon nito na matiyak na ang bawat bata sa Bauang ay magkakaroon ng pantay na pagkakataon na lumaki at matuto sa isang ligtas, suportado, at maunlad na kapaligiran.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments