Programa na tutugon sa dumaraming bilang ng mga street dweller sa NCR, inilunsad ng DSWD; mga nakatira sa lansangan, bibigyan ng ID

Inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang “Oplan Pag-abot” program na layong tugunan ang dumaraming bilang ng mga street dweller sa Metro Manila.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, bahagi ng programa ang pagkuha ng biometrics at pagbibigay ng I.D. sa mga indibidwal na nakatira sa lansangan.

Bibigyan din sila ng tulong gaya ng pagkain, gamot, livelihood assistance at pagpapabalik sa kanila sa mga probinsya.


Tiniyak naman ng kalihim na hindi nila pupwersahin sa halip ay maayos nilang kukumbinsihin ang mga street dweller na huwag nang tumira sa mga lansangan.

Katuwang ng DSWD sa pagpapatupad nito ang Commission on Human Rights, MMDA at Metro Manila Council.

Target ng ahensya na palawigin ang programa sa iba pang metro areas na may kahalintulad na sitwasyon sa Metro Manila sakaling maging matagumpay ang implementasyon nito sa NCR.

Facebook Comments