Programa ng Department of Health na tutugon sa problema ng malnutrisyon sa bansa, umarangkada na

715

Manila, Philippines – Umarangkada na ang programa ngDepartment of Health na tutugon sa problema ng malnutrisyon sa bansa.
  Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial,  sa ilalim ng Philippine Plan of Action for Nutrition,target nila na mabawasan ang iba’t ibang uri ng malnutrisyon sa bansa gaya ngmicronutrient deficiencies, overweight at obesity.
  Batay sa tala ng DOH, nasa 3.8 milyong bata ang nagugutomsa bansa habang nasa labing walong milyong pinoy naman ang overweight at obese.
  Nabatid na nasa 328-bilyong piso ang nawawala saekonomiya ng bansa dahil sa problema sa malnutrisyon.
 

Facebook Comments