
Pangungunahan ng Presidential Broadcast Staff na Radio Television Malacañang (RTVM) ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw.
Bagama’t walang partikular na pangalan ng magiging direktor, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, na ang RTVM team ang mangangasiwa ng program flow ng taunang ulat Pangulo.
Nabatid na ang RTVM ang regular na nangangasiwa sa mga coverage at lakad ni Pangulong Marcos.
Matatandaang si dating Presidential Adviser on Creative Communications Secretary Paul Soriano ang naging direktor ng unang SONA ng Pangulo habang ang RTVM naman ang nangasiwa ng ikalawa at ikatlong SONA.
Facebook Comments









