Programa para sa home-grown agri machineries, aprubado na ni PBBM

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang programa Department of Science and Technology (DOST) para sa home-grown machineries na layong palakasin ang sektor ng agrikultura sa bansa.

Sa sectoral meeting sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na kumpiyansa siya sa programang ito, dahil bukod sa pagiging locally produced ay mas mura rin ito.

Ayon sa Pangulo, siya mismo ay nakakita na ng ganitong mga makinarya na ginagamit sa pagmimina at pagtatabas o paghuhukay ng lupa.


Samantala, sinabi naman ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum, na ang shift na ito ng pamahalaan mula sa pag-aangkat ng makinarya patungo sa pagtangkilik ng locally produced machines ay hindi lamang makaaambag sa agri sector ng bansa kundi maging sa manufacturing industry ng Pilipinas.

Facebook Comments