Programa para sa ikalawang peace rally ng INC, umarangkada na

Nagsimula na ang ilang mga aktibidad ng Iglesia ni Cristo (INC) sa ikalawang araw ng kanilang Rally for Transparency and a Better Democracy sa Quirino Grandstand.

Sa kabila ng pabago-bagong lagay ng panahon, tuloy-tuloy ang pagdagsa ng mga kasapi ng INC na makikiisa sa nasabing rally.

Nagmula ang ilan sa kanila sa kalapit na lungsod at iba’t ibang lalawigan tulad ng Bicol, Palawan, North at Central Luzon.

Inaasahan na mas marami pa ang magtutungo mamayang hapon sa ikalawang araw ng peace rally ng INC.

Wala pa naman inaanunsiyo ang pamunuan ng INC kung sinong kilalang mga indibidwal ang magpupunta rito, kung saan kahapon ay nagtungo sina Sen. Rodante Marcoleta, Mayor Isko Moreno, at Vice Mayor Chi Atienza.

Mula naman kahapon ng umaga hanggang hatinggabi, aabot sa 18.5 metric tons ng basura ang nahakot ng Manila Department of Public Service, pero maaayos itong nakolekta ng mga tauhan ng INC.

Sa ngayon, aabot sa 180,000 ang crowd estimate ng nakikibahagi sa peace rally ng INC, base sa datos ng Manila DRRMO kaninang alas-10:00 ng umaga.

Facebook Comments