Programa para sa mas ligtas na online space sa mga Pilipino, inilunsad ng DICT at UP

Inilunsad ng Department of Information Communication and Technology (DICT) ang Oplan Paskong Sigurado para sa mas ligtas na online space sa mga Pilipino ngayong nalalapit na holiday season.

Katuwang ng inisyatibo na ito ang University of the Philippines Diliman Extension Program.

Kasama ng paglulunsad ng programa ay ang mas pinalawak na Oplan Cyberdome initiative.

Kung saan mayroon itong malinaw na panawagan sa publiko na:

Mag-Ingat – maging alerto laban sa scams;
Mag-Report – iulat agad ang kahina-hinalang aktibidad;
Mag-Diwang – magdiwang ng Pasko nang ligtas at panatag online.

Bukod sa nabanggit na programa, sabay ring inilunsad ng DICT at UPDEPPO ang Cybersecurity Microdentials Program.

Ito ay tugon ng DICT sa kakulangan ng cybersecurity professional sa bansa.

Ayon sa National Association of Data Protection Officers of the Philippines (NADPOP), kailangan ng bansa ng humigit-kumulang 180,000 cybersecurity experts upang maprotektahan kahit sampung porsyento lamang ng critical institutions at infrastructure.

May tatlong kurso ang programa na SOC Readiness & Cyber Foundations, Threat Detection & Incident Handling, at GRC Essentials.

Makakakuha ang estudyanteng nakatapos ng lahat ng kurso ng Certificate in Advanced Cyber Defense & GRC, na nakabatay sa hands-on labs at aktwal na incident investigation.

Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda na ang mga hakbang na ito ay ginawa upang bantayan ang publiko at bigyan sila ng kumpiyansa na gumamit ng online platforms nang ligtas sa kabila ng paglaki ng digital activity ng mga Pilipino.

Facebook Comments