Tiwala si re-elected Mayor Belen Fernandez na mas marami pang programa ang mapapakinabangan ng mga Dagupeños sa susunod pang mga taon.
Sa naging panayam nito, mas maraming proyekto ang dadating sa lungsod kasunod na rin ng inaasahang pakikipagtulungan ng sangay ng lehislatibo sa ehekutibo.
Nabanggit nito ang ilan sa priority areas sa lungsod tulad ng programa para sa sektor ng edukasyon, serbisyong pangkalusugan, maging ang usaping pangkalikasan, turismo at hanapbuhay.
Sa kasalukuyan, patuloy na ipinatutupad ng alcalde ang mga proyekto tulad ng Libreng Tuli para sa mga kabataan, rehabilitasyon ng dumpsite at elevation ng mga drainage at daan mula sa mga pangunahing kakalsadahan hanggang sa mga residential areas.
Inaasahan naman ng mga Dagupeños ang pagsasakatuparan ng mga programa sa loob ng panibagong tatlong taon sa ikalawang termino ng alkalde. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments






