Isinusulong ni Assistant Majority Leader at Quezon City Rep. Anthony Peter Crisologo ang panukala na lilikha ng isang programa para sa mga kababaihang nais magnegosyo na kabilang sa low-income families.
Ang paghahain ng panukala ay kasunod na rin ng pagdiriwang ng “Women’s Month” ngayong buwan ng Marso.
Sa ilalim ng House Bill 8567 ay lilikha ang pamahalaan ng lending assistance program para sa mga aspiring women entrepreneurs na mga solo parents at may mga kapansanan (PWDs).
Bibigyan ang mga kababaihang kabilang sa low-income families ng kakayahan na magtayo ng maliliit na negosyo upang mabigyan rin sila ng social protection.
Ang panukala na layong maisama ang mga kababaihan sa paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagtutulak ng kanilang partisipasyon sa pag-unlad ng bansa ay nagnanais din na mabawasan ang gender gaps at pagyamanin ang gender sensitivity society.