PROGRAMA PARA SA MGA MAGSASAKA ISINAGAWA SA SAN CARLOS CITY

Isinagawa noong 10 ng Disyembre ang programang “Farmers Field School on Corn Production, Management, and Technology Demonstration” para sa mga magsasaka ng Barangay Aponit sa San Carlos City.

Layunin ng programa na mabigyan ng bagong kaalaman ang mga magsasaka tungkol sa makabagong pamamaraan at teknolohiya sa pagtatanim ng mais upang mapataas ang produksyon ng ani.

Ayon sa mga tagapagpatupad, inaasahang makatutulong ang mga kaalamang ito upang maging mas episyente ang pagtatanim at mapalaki ang kita ng mga magsasaka sa bawat cycle ng kanilang produksyon.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga magsasaka mula sa iba’t ibang bahagi ng lungsod na nagnanais matuto ng mga bagong teknik sa pamamahala at produksyon ng mais.

Ang naturang aktibidad ay bahagi lamang ng patuloy na mga proyekto at programa ng lokal na pamahalaan ng San Carlos City na nakatuon sa pagsuporta at pagpapalakas ng sektor ng agrikultura at kabuhayan ng mga magsasaka sa lungsod.

Facebook Comments