Programa para sa mga OFW, hiniling ng isang senador na mas paigtingin pa

Hinikayat ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na lalo pang paigtingin ang mga programa para sa proteksyon sa mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Kaugnay na rin ito ay ikinalugod ng senador ang desisyon ng Appellate Court ng Kuwait pabor sa hatol laban sa pumaslang sa ating kababayan na si Jullebee Ranara.

Umaasa si Villanueva na hindi man maibalik ang buhay ni Ranara ay makakatulong ang desisyon ng korte para mabawasan ang sakit na nararamdaman ng naiwang pamilya nito.


Ayon kay Villanueva, dapat lang na magbantay ang pamahalaan at ipagpatuloy ang pakikipagugnayan sa mga host countries para mapangalagaan ang ating mga kababayang nagtatrabaho doon.

Aniya, makatutulong din ang mga mas malakas na bilateral agreements para sa mas maayos na pagtrato at pa-sweldo sa ating mga OFW.

Facebook Comments