CAUAYAN CITY- Inihayag ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Region 02 na patuloy ang kanilang paglulunsad ng development programs para sa mga person’s deprived of liberty (PDL).
Sa isang pahayag, sinabi ni Jail Senior Superintendent Romeo Villante na kabilang sa mga programa na nakukuha ng mga PDLs ay livelihood at educational programs, health interventions, at marami pang iba.
Aniya, 95% sa mga preso na nakakulong sa BJMP ay hindi pa napapatunayang nagkasala. Kaya naman, umaasa ito na kapag nakalaya na ang mga ito ay kanilang magamit ang kanilang natutunan sa loob ng piitan upang makapagsimula muli.
Tiniyak din ni Villante na hindi napapabayaan ang mga PDL lalo na sa kanilang pagkain at kung magkasakit man ay mayroong check-up at gamot ang mga ito.