Tiniyak ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na palalakasin nito ang mga programa para sa persons with disabilities (PWD) sa pamamagitan nang pagbibigay ng pantay na oportunidad.
Ayon kay Marcos, mahalagang mabigyan sila ng karapatan sa mga pampublikong lugar at makalahok sa labor force batay sa kanilang galing at kaalaman.
Aniya, mayroong mas kayang gawin ang mga PWD hindi lang ang pagiging masahista sa mga mall.
Sa pamamagitan aniya ng nasabing hakbang ay mapoprotektahan din ang mga magulang at mahal sa buhay ng mga PWD.
Bukod dito, kailangan din aniyang palakasin pa ang mga programang pang kalusugan, edukasyon, transportasyon at iba pa para sa mga PWD.
Dapat din aniyang masigurong maayos na naiimplementa ng mga Local Government Units (LGUs) ang tulong ng mga pribadong sektor sa R.A 10070 o ang Magna Carta for Disabled Person’s upang matiyak ang serbisyo at kapakanan ng mga PWD.